Barko ng Indian Coast Guard at mga opisyal, bumisita sa bansa

Coast Guard Photo
Nasa Pilipinas ang barko na pag-aari ng Indian Coast Guard.

Sinalubong ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga opisyal at tauhan ng Indian Coast Guard Ship (ICGS) na “Shaunak” nang dumating ito sa Pier 15 sa South Harbor, Port Area, Manila Biyenes, February 1.

Binigyan ng arrival honor ng coast guard si Commanding Officer, Deputy Inspector General Bibhuti Ranjan.

Kasunod nito, nagcourtesy call naman si Ranjan kay PCG Commandant, Admiral Elson Hermogino.

Habang nasa bansa, bibisita ang mga tauhan ng Indian Coast Guard sa pasilidad ng PCG gaya ng Coast Guard Action Center, National Coast Watch Center, at Coast Guard K9 Force sa Coast Guard Base Taguig.

May isasagawa ring passage exercise (PASSEX) sa pagitan ng PCG at Indian counterparts.

Read more...