Listahan ng pangalan ng jaywalkers isusumite na ng MMDA sa NBI

Isusumite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang listahan ng pangalan ng mga jaywalkers na mabibigong magbayad ng penalties at makapagsagawa ng community service.

Ito ay upang maisama ang nasabing mga pangalan sa alarm list ng NBI.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, kasunod ito ng pag-deputize ng Metro Manila Mayors sa MMDA para ipatupad ang anti-jaywalking ordinances sa 17 lokal na pamahalaan sa buong NCR.

Sinabi ni Garcia na lahat ng lungsod at ang isang munisipalidad sa Metro Manila ay may anti-jaywalking ordinances.

Kung ang mahuhuling jaywalker aniya ay hindi papansinin ang tiket na inisyu sa kaniya, maari itong masampahan ng kasong paglabag sa local ordinance at ang pangalan ay niya ay isusumite na sa NBI.

sa ngayon ang multa sa paglabag sa anti-jaywalking ay P500.

Read more...