Kampo ni Sen. Leila de Lima isinama bilang testigo sina dating Pangulong Noynoy Aquino at Dating PNP Chief Bato dela Rosa

Isinama ng kampo ni detained Senator Leila de Lima sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa bilang mga testigo sa isang kasong kinahaharap nito.

Ayon kay Filibon Tacardon, abogado ni De Lima, dahil dating pangulo ng bansa ay may mga impormasyon si Aquino na may kaugnayan sa kaso.

Aniya nais lang nilang patunayan na walang isyu o kahit tsismis na nag-uugnay kay De Lima sa operasyon ng droga sa bansa.

Gusto din ng kampo ng senadora na tumestigo si Dela Rosa dahil sa media interviews ay pinagbantaan di’umano nito ang mga testigo at nais din nilang magpaliwanag ang dating hepe ng pambansang pulisya sa mga alegasyon na prinessure ang mga testigo.

Nais din nila na tumestigo si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II dahil sa isa umano ito sa mga tao na nais idiin si de lima sa illegal drug trade.

maging si sandra cam ay gusto ng kampo ng senadora na humarap bilang testigo dahil sa mga diumano’y pagdalaw nito sa bilibid habang pinagtitibay ang kaso, gayundin ang abogadong si Ferdinand Topacio ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Read more...