800 accounts inalis ng Facebook

Inquirer file photo

Halos 800 Facebook accounts, pages at group na iniuugnay sa Iran ang tinanggal ng Facebook dahil sa tinatawag na coordinated inauthentic behavior.

Katuwiran ng social media giant layon ng mga fake accounts na guluhin ang lagay ng politika at eleksyon.

Samantala, daan-daan Facebook accounts at pages din na iniuugnay sa isang grupo sa Indonesia ang inalis dahil sa pagpapakalat ng mga fake news at hate speech.

Ayon sa Facebook inaabuso ng cyber group na Saracen ang social media platform sa pamamagitan ng mga fake accounts na nagbibigay ng mga nakakalitong impormasyon sa mga netizens hinggil sa mga isyu.

Nitong mga nakalipas na buwan, isinagawa ng ‘purging’ ang facebook ng mga accounts ng mga grupo sa Myanmar, Bangladesh, Russia at Pilipinas.

Read more...