Nakatakdang ipasara ang ilang mga mall at hotel sa palibot ng Manila Bay.
Ayon kay Interior Sec. Eduardo Año ang closure na ipinatupad sa ilang mga establisimento gaya ng Aristrocrat at Gloria Maris ay masusundan pa.
Sinabi ni Año na ngayong linggo hanggang sa susunod na linggo ay may mga hotel at mall ding ipasasara dahil ang kanilang water discharge ay dumederetso sa Manila Bay.
Kamakailan ay nagpalabas ng cease ang desist order ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) laban sa tatlong establisimento malapit sa Manila Bay.
Pinutulan din ng suplay ng tubig ang Aristrocrat Restaurant, Gloria Maris Sharksfin at The Esplanade San Miguel.
Anim na establisimento pa ang pinadalhan ng notices of violation.
MOST READ
LATEST STORIES