Ang buwan ng Enero ngayong taon ang maituturing nang pinakamainit na buwan sa kasaysayan ng Australia.
Ayon sa Bureau of Meteorology ng Australia, ang nagdaang buwan na ang hottest month on record sa bansa.
Sa kauna-unahang pagkakataon kasi nakapagtala ng lagpas sa 30 degrees Celsius sa Australia.
Noong January 24, nakapagtala pa ng 46.6 degrees Celsius sa Adelaide na South Australian capital.
Sa nasabi ring petsam naitala ang 49.5 degrees Celsius sa Port Augusta.
MOST READ
LATEST STORIES