19 na loose firearms nakumpiska sa Nueva Ecija

Contributed Photo

Aabot sa 19 na loose firearms ang nasabat ng mga otoridad sa bayan ng Jaen sa Nueva Ecija.

Ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, Central luzon police director, nadisukbre ang mga armas habang isinisilbi ang search warrant laban sa isang Roderick Mauricio sa Barangay Langla.

Ang search warrant ay kaugnay sa kaong paglabag sa Repulic Act 10591 o illegal possession of firearms in relation to Ombibus Election Code.

pawang mga tauhan ng Regional Intelligence Division-Special Concern Unit and Regional Mobile Force Battalion 3 ang nagpatupad ng warrant.

Samu’t saring mga armas ang nasabat sa suspek.

Read more...