Pormal nang nagbukas ngayong araw, February 1, ang Panagbenga o Flower Festival sa Baguio City.
Nagsagawa ng street dance parade bilang hudyat ng pagsisimula ng mga aktibidad.
Pawang grade school students ang kalahok sa street dance suot ang kanilang flower-inspired at makukulay na costumes.
Ang iba, hinaluan din ng ibang konsepto ang kanilang kasuotan gaya ng mga insekto at ang iba gumamit pa ng tradisyunal na indegenous Filipino garments.
Sa March 2 ang main event ng festival kung saan gaganapin ang grand street parade.
READ NEXT
SWS survey na nagsasabing tumataas ang bilang ng mga Filipino na gumaganda ang buhay, welcome sa Malakanyang
MOST READ
LATEST STORIES