Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sampal sa mga kritiko ang panibagong survey kagaya ng makakakaliwang grupo, Simbahang Katolika at opisyon dahil sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos, nagbubunga na ang nga programang inilatag ng pangulo.
Hindi na aniya nakagugulat para sa Palasyo na patuloy na gumaganda ang buhay ng mga Filipino kahit nangangalahati pa lamang sa puwesto ang pangulo.
Sa nasabing survey na ginawa noong December 2018, umakyat sa 37% ang nagsasabing umayos ang kanilang buhay sa loob ng labin-dalawang buwan, kumpara sa 28% noong Setyembre.
Dumami rin sa 43% ang bilang ng mga Pilipinong umaasang lalago ang ekonomiya ng bansa ngayong 2019, kumpara sa 31% noong Seytembre.
Ayon kay Panelo, bagamat marami sa mga Filipino ang gumaganda na ang hm unay, hindi pa rin magpapkakamoante ang administrasyon at patuloy na magsusumikap para manigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.