Pamunuan ng GMA-7 umapela sa publiko na itigil ang “Boyet Challenge”

Umapela sa publiko ang GMA Entertainement na itigil ang pagsasagawa ng “Boyet Challenge” kung saan ginagaya ng mga kumakasa sa hamon ang karakter na “Boyet” sa teleseryeng “My Special Tatay”.

Sa pahayag, sinabi ng GMA Entertainment na nakikiisa sila sa panawagan ng Autism Society Philippines o ASP.

Una nang sinabi ng ASP na ang panggagaya ng netizens sa karakter ay mistulang hindi pagrespeto sa mga taong nakararanas ng autism.

Nilinaw din ng Kapuso Network na hindi sila ang nagpasimula ng naturang challenge.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga video ng “The Boyet Challenge”.

Ayon sa GMA, ang naturang teleserye na pinagbibidahan ni Ken Chan ay layong palaganapin ang awareness at pagtanggap sa mga mentally, physically at differentlly-abled people.

Read more...