Patay sa Jolo, Sulu bombing umakyat na sa 22

PNP-PIO Photo

Umakyat na sa 22 ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) – Western Mindanao Command, isa sa mga nasugatan na nakilalang si Thelma Villanueva ang pumanaw na.

Dahil dito sinabi ni Besana na sa 22 nasawing, 6 ay sundalo, 1 ang tauhan ng coast guard at 15 ang sibilyan.

Mayroon namang 101 ang sugatan, kabilang ang 14 na sundalo at 85 sibilyan.

Patuloy pa ang pagtugis ng mga tropa ng pamahalan sa mga nasa likod ng pagpapasabog.

Read more...