Miss Universe Vietnam nasa Pilipinas

IG Photo

Nasa bansa ngayon si Miss Universe Vietnam H’hen Nie.

Dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si Nie at sinalubong ng kaniyang Pinoy na pageant coach na si Anjo Santos.

Sa kaniyang Instagram post ibinahagi ni Nie ang pagdating sa bansa na may caption na “Mabuhay, Philippines”.

Sa isa pang psot makikita si Nie na kumakain ng tuyo sa isang hotel.

Sinabi ni Nie na sa kaniyang hometown ay paborito niya ang tuyo at kaya niyang umubos ng isang bowl ng kanin.

Si Nie ay umabot sa top 5 sa Miss Universe 2018.

Read more...