Pangalan ni Roque hindi na isasama sa balota – Comelec

Hindi na isasama ng Commission on Elections (COMELEC) ang pangalan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa ii-imprentang balota para sa May 2019 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez sa sandaling maisapormal ng kampo ni Roque ang pag-withdraw ng kandidatura ay hindi na isasama ang pangalan niya sa balota.

Sa ilalim ng rules ng Comelec, ang kandidatong nagpasyang mag-withdraw sa kandidatura ay kailangang maghain ng statement of withdrawal.

Ang kondisyon ng kaniyang kalusugan ang binanggit na dahilan ni Roque kaya umatras na ito sa pagtakbo bilang senador.

Read more...