Artist sketch ng mga suspek sa pagpatay sa NDFP consultant inilabas ng PNP

Photo from Police Regional Office 2

Naglabas na ang mga otoridad ng artist sketch ng mga suspek sa pagpatay sa consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Randy Felix Malayao.

Nasa bus sa Aritao, Nueva Vizcaya si Malayao nang sya ay barilin noong Miyerkules, Jan. 30.

Tatlong artist sketch ng mga suspek ang inilabas ng Cagayan Valley police.

Ang dalawa sa mga larawan ay kapwa nakasuot ng facial mask.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya laban sa mga suspek.

Read more...