Andi Eigenmann buntis sa ikalawang anak

Ipinagbubuntis ng aktres na si Andi Eigenmann ang ikalawang anak nito.

Sa serye ng Instagram stories, nag-post si Andi at ipinakita ang kaniyang baby bump.

Ayon kay Andi, tatlong buwan na ang kaniyang tiyan at naka-tag sa post ang boyfriend niyang si Philmar Alipayo na isang professional surfer.

Sinabi rin ni Andi na excited na siya sa pagbubuntis at minsan ay nakararamdam din ng kaba.

Inirepost naman ni Alipayao ang nasabing post ni Andi sa sarili niyang IG account.

Ang unang anak ni Andi na si Ellie sa aktor na si Jake Ejercito ay pitong taong gulang na.

Read more...