Kita sa concert ng Rock group na Pearl Jam, idodonate sa mga biktima ng toxic mining spill sa Brazil

pearl jam
Larawan mula sa wikipedia

Idinonate ng US Rock group na Pearl Jam ang kita ng kanilang concert sa Brazil para sa mga nabiktima ng toxic mining spill na ikinasawi ng labing dalawang katao habang labing dalawang iba pa ang nawawala.

Ayon kay Eddie Vedder, singer ng grupo, marapat lamang na mabigyan ng hustisya ang pagkasawi ng 12 katao na itinuturing na worst enviromental disaster sa Brazil.

Kasabay nito, nanagawan ang grupo sa mga kinauukulan na parusahan ang mining company para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 12 katao.

Nabatid na nag collapse ang isang dam sa waste reservoirs ng Iron Ore mine dahilan para malubog ang isang barangay.

Aabot sa libu-libong isda rin at iba pang hayop ang namatay matapos malason sa Iron Ore mine.

Pag aari ang mining company ng Samarco na isang joint venture ng mining giants na BHP Billion ng Australia at Vale ng Brazil.

Read more...