Pangakong tulong sa Pilipinas sa paglaban kontra terorismo muling iginiit ng Russia

Presidential photos

Pinagtibay ng Russia ang pangako nitong tutulungan ang Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte Huwebes ng hapon si Russian Ambassador Igor Khovaev.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, muling inihayag ng Russian Ambassador ang pakikiramay nito sa mga biktima ng pagsabog sa Jolo at kinondena ang insidente.

Kasabay anya nito ay muling ipinangako ng Russia na palalalimin pa ang pakikipag-ugnayan sa Pilipinas upang matulungang mapalakas ang sandatahang lakas ng bansa.

Samantala, sinabi ni Panelo na ipinahayag ni Pangulong Duterte ang commitment nito na palalimin pa ang relasyon sa Russia.

Nagpasalamat din anya si Duterte sa pakikiramay ng Russia sa mga biktima ng Jolo at iginiit na pinahahalagahan ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan nito sa mga bansa na may pangakong labanan ang terorismo at karahasan.

Read more...