Kumpanya ng bus na sangkot sa aksidente sa Tarlac papatawan ng preventive suspension order ng LTFRB

Contributed photo

Papatawan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng preventive suspension order ang kumpanya ng bus na sangkot sa malagim na aksidente sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) sa Concepcion, Tarlac.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTFRB na papatawan ng preventive suspension order ang bus units ng Jumbo Transport Inc.

Sumalpok ang isa sa mga bus ng naturang kumpanya sa isang 18-wheeler truck na ikinasawi ng lima katao at ikinasugat ng 49 iba pa.

Karamihan sa mga sakay ng bus ay mga empleyado ng gobyerno mula Cavite.

Mayroon umanong tourist franchise ang bus company na may ten units simula noong July 5, 2016 at mayroong aprubadong ruta mula Las Piñas tungo sa anumang bahagi ng Luzon.

Ayon sa LTFRB, naglabas na ng P400,000 ang insurance company bilang inisyal na tulong sa mga biktima.

Read more...