Sketch ng isa sa mga suspek sa pagpatay sa Brgy. official sa QC inilabas na

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang composite sketch ng isa sa mga bumaril kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Crisell Beltran sa kanyang driver na si Melcor Salita.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., nagawa ang sketch ng isa sa mga gunmen matapos makuha ang testimonya ng mga testigo sa pananambang kay Kapitana Beng.

Sinabi ng pulisya na nasa anim ang suspek sa ambush kay Beltran at sa driver nito.

Tinambangan ang kapitana kahapon matapos silang umalis mula sa barangay outpost.

Pinagbabaril ng mga suspek na nakasakay ng motorsiklo ang sasakyan ng mga biktima na ikinamatay nina Beltran at Salita.

Si Beltran ay kandidato rin sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito sa Quezon City.

Read more...