20% transpo discount bill para sa mga mag-aaral lusot sa 2nd reading sa Kamara

Inquirer file photo

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang substitute bill para mabigyan ang mga estudyante ng 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon.

Palalawigin ng panukala ang ibinibigay na diskwento sa pamasahe para sa lahat ng mga estudyante sa bansa.

Sa oras na maging ganap na batas ay mabibigyan ng 20% student fare discount ang mga mag-aaral sa land, water, at air transport systems.

Dahil dito, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, transport network vehicle services (TNVS), MRT, LRT gayundin ang mga airlines at barko.

Kasama na rin sa bibigyan ng discount ang Sabado at Linggo gayundin kapag pyesta opisyal.

Sa kasalukuyan, limitado sa land public transportation gaya ng jeepney at bus ang student fare discount.

Read more...