Sugatan ang labing limang katao matapos sumabog ang isang granada sa Capitol’s Ground sa Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat, naganap ang pagsabog sa Kalimudan Festival kagabi o ilang metro lamang ang layo mula sa gymnasium kung saan ginaganap ang executive night.
Isinugod ang mga nasugatan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa naganap na insidente.
MOST READ
LATEST STORIES