Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PAGASA Forecaster Samuel Duran na oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong Bagyong Marilyn.
Sa ngayon ay nasa 1,400 kilometers East ng Visayas ang Typhoon Infa taglay ang hangin na 175 kilometers per hour at pagbugso ng 210 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour.
Ayon kay Duran, maliit ang tsansa na maglandfall sa alin mang bahagi ng Pilipinas ang Bagyong Infa.
Dagdag pa ni Duran, sakaling makapasok sa PAR ang Bagyong Infa, ito ang kauna-unahang bagyo na papasok sa Pilipinas sa loob ng buwan ng Nobyembre at panglabing tatlong bagyo ngayong taon.
MOST READ
LATEST STORIES