Japan nangangailangan ng mga dayuhang manggagawa

Photo from www.poea.gov.ph

Nangangailangan ng maraming manggagawang dayuhan ang bansang Japan kabilang ang mga Filipino na tutugon sa kanilang pangangailangan sa sektor ng pagsasaka, nursing care, konstruksiyon at mga propesyonal,

Ngunit ayon sa POEA, ang mga nagnanais na kumuha ng visa ay kailangang pumasa sa skills and language test.

Sa advisory, ng Philippine Overseas Employment Administration magkakabisa ang bagong visa sa April 2019 na nagtatakda sa mga dayuhan na may edad na 18-pataas na makapag-apply sa dalawang residency status Visa type 1 at ang Visa Type 2.

Sa ilalim ng Visa Type 1, pinapayagan ang mga dayuhan na makapagtrabaho sa farming, nursing care, construction, at iba pa, balido ang visa sa loob ng 5 taon ngunit hindi pinapayagan ang visa holder na dalhin ang kanilang pamilya sa Japan.

Habang sa Visa Type 2, ang holder ay kailangang may mas mataas na pinag-aralan ngunit pinapayagan naman sila na dalhin ang kanilang pamilya, unlimited renewals at permanent residency.

Read more...