Nabatid na napadpad sa dalampasigan ang mga patay na pusit na pinaniniwalaang dahil sa pagkalason sa kemikal.
Payo ng mga otoridad sa mga residente, huwag lulutuin at kakainin ang mga patay na pusit sa pangambang magdulot ito ng masama sa kanilang kalusugan.
Naniniwala ang mga Barangay health workers na kaya namatay ang mga pusit dahil sa kontaminasyon ng kemikal.
Patuloy naman ang ginagawang berepikasyon at imbestigasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) 11 para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng mga pusit.
MOST READ
LATEST STORIES