Pulis sugatan sa pananambang sa Zamboanga Sibugay

Sugatan sa pananambang ang isang pulis sa Zamboanga Sibugay.

Nakilala ang pulis na si Insp. Yashier Abdulla Sarikin na nakatalaga sa Zamboanga Sibugay Police Provincial Office.

Sa imbestigasyon, kadarating lamang ni Sarikin sa kaniyang inuupahang bahay sa Purok Eloisa sa bayan ng Ipil nang dumating ang dalawang motorsiklo at lumapit sa kaniyang kotse.

Bumaba ang backrider, lumapit kay Sarikin at saka ito pinagbabaril.

Nagawa pa ng pulis na makaganti ng putok kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Agad isinugod sa ospital si Sarikin na ginagamot ngayon dahil sa tinamong tama ng bala sa kanang kilay at daliri.

Read more...