Pinay binitay sa Saudi Arabia dahil sa salang pagpatay

Isang 39-anyos na Pinay ang binitay sa Saudi Arabia noong Martes matapos mapatunayang guilty sa sa kasong murder.

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagbitay sa Pinay household service worker.

Hindi na tinukoy ng DFA ang pagkakakilanlan ng Pinay base na rin sa kahilingan na privacy ng kaniyang pamilya.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang DFA sa kaniyang naulilang pamilya.

Malungkot ang DFA na hindi siya nagawang maisalba sa parusang kamatayan dahil ang kaniyang kaso ay itinuring ng Saudi Supreme Judicial Council na ang blood money ay hindi aplikable base sa Shariah law.

Ayon kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto naipagkaloob naman ang lahat ng tulong na kailangan ng Pinay sa kasagsagan ng paglilitis.

Read more...