2 hinihinalang holdaper patay sa Brgy. Ugong, QC

Police banner

Patay ang dalawa sa apat na hinihinalang holdaper matapos maka-engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District, Huwebes (Jan. 31) ng madaling araw.

Unang nakatanggap ng ulat ang mga otoridad na hinoldap ng apat na mga suspek ang dalawang staff ng isang grocery store sa Greenmeadows kanto ng C-5.

Ayon kay Supt. Romulos Gadaoni, hepe ng QCPD station 12, hindi hinintuan ng mga suspek ang nakalatag na checkpoint sa bahagi ng Girafee Street sa Brgy. Ugong.

Nagkaron ng habulan na nauwi na sa palitan ng putok dahilan para masawi ang dalawa sa mga suspek na kapwa hindi pa nakikilala.

Ang dalawang iba pa ay nakatakas naman sakay ng motorsiklo.

Bukod sa ginamit na motorsiklo ay nakuha naman ang mga gamit na kinuha sa mga biktima, dalawang kalibre 38 na baril, isang backpack at isang cellphone.

Read more...