Maine Mendoza at Arjo Atayde nakitang nagde-date sa Rockwell

IG Photo: @shngrrng

Naispatan muli ng netizens sina Maine Mendoza at Arjo Atayde habang kumakain sa isang restaurant sa Rockwell.

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng dalawa na iniupload lamang noong January 29.

Sa caption ng nasabing netizen, nanawagan din ito sa mga kapwa niya fans nina Maine at Alden Richards na maging bukas ang pag-iisip hinggil sa personal na buhay ng kanilang idolo.

Hiling din ng fan na maging maligaya na lang ang AlDub fans para sa dalawa na nananatili namang magkaibigan.

Read more...