Outbreak ng tigdas sa Washington umabot na sa pinakamataas na bilang mula noong 1996

Umabot na sa pinakamataas na bilang mula noong 1996 ang kaso ng measles sa Washington.

Sa pinakahuling datos nakapagtala ng panibagong 37 mula Portland Oregon at sa King County.

Ayon kay Washington Secretary of Health John Wiesman, dalawa sa mga pasyente ang na-ospital.

Sa Hawaii nakapagtala din ng dalawang bagong kaso na pawang biyahero galing sa Washington.

Ang unang kaso ng measles sa Washington ay naitala mula sa isang international traveler.

Mula noon, nagkasunod sunod na ang tinamaan ng sakit hanggang sa magdeklara na ng outbreak.

Read more...