Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), inanunsyo ng German government ang taas-sweldo sa kasagsagan ng 5th Joint Committee Meeting.
Ang Triple Win Project ay isang proyekto sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at German Federal Republic at pinangangasiwaan mismo ng POEA.
Ang mga nurse na na-interview at pumirma ng employment contract mula January 1, 2019 ay tatanggap ng 2,000 euros bago ang recognition bilang qualified nurse at 2,400 euros naman pagkatapos.
Bago ito, ang minimum wage ng nurses ay nasa 1,900 euros at 2,300 euros lamang.
Samantala, patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang POEA para punan ang 400 vacancies.