Alas-12:01 ng hatinggabi, tumama ang isang magnitude 3.0 na lindol sa Southern Leyte.
Ang episentro ng lindol ay sa layong anim na kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Hinundayan.
May lalim itong apat na kilometro.
Magnitude 3.4 na lindol naman ang naitala sa Davao Occidental alas-12:55 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 58 kilometro Timog-Silangan ng bayan Don Marcelino.
May lalim naman itong 124 kilometro.
Niyanig naman ng magnitude 3.0 na lindol ang Cagayan kaninang alas-3:52.
A ang episentro ng lindol ay sa layong 39 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Gonzaga.
May lalim itong 19 kilometro.
Naitala ang instrumental intensity I sa Gonzaga, Cagayan.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang lindol o aftershocks.