Dahil dito nasa 347 pamilya sa Patikul, Sulu ang lumikas muna sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa bakbakan.
Tulong-tulong ang Philippine Army, Philippine Air Force, Marines at batalyon ng mga pulis sa pagpulbos sa tinatayang nasa 300 miyembro ng ASG sa Patikul.
Nagsagawa ng clearing operations ang Marine Special Operations Group sa paligid ng Jolo dahil sa mga namataan umanong ASG members.
Gayunman, ayon kay Philippine Marine Ready Force-Sulu commander Col. Armel Tolato, wala silang nakitang armado sa lugar.
Kinansela naman dahil sa kapal ng ulap ang operasyon ng attack helicopters ng Air Force sa mga kakahuyan ng Patikul partikular sa mga baranggay ng Maligay, Tanun at Tugas
Ayon kay JTF Sulu Chief Gen. Divino Rey Pabayo Jr., nakahanda ang aerial assets anumang oras sakaling may request ang ground troops.
Samantala ang ground troops naman ay patuloy na na tinutugis ang lugar na sinasabing pinagtataguan ng mga lider ng ASG na sina Sawadjaan, Almodyir Yada at Radulan Sahiron.