Pulisya may 2 persons of interest sa pagpapasabog sa Mosque sa Zamboanga City

INQUIRER Mindanao

Mayroong dalawang ‘persons of interest’ ang pulisya sa naganap na pagsabog sa Mosque sa Zamboanga City.

Ayon kay Zamboanga City police Office Director Sr. Supt. Thomas Joseph Martir, patuloy ang pagkalap nila ng ebidensya at testimonya mula sa mga testigo bago ang pormal na pagsasampa ng reklamo.

Madaling-araw ng Miyerkules nang pasabugan ng granada ang mosque sa Barangay Talon-Talon habang natutulog sa loob nito ang ilang Muslim leaders.

Patay ang dalawa katao at sugatan ang apat na iba pa dahil sa pagsabog.

Hindi pa inihahayag ni Martir ang motibo sa pag-atake at sinabing patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Ang pagpapasabog sa Mosque sa Zamboanga City ay ang ikalawa nang pag-atake sa southwestern Mindanao sa loob lamang ng apat na araw.

Read more...