Anim katao na ang naitatalang patay dahil sa patuloy na pananalasa ng winter sa US Midwest bunsod ng polar vortex.
Nararanasan ang umano’y ‘arctic weather’ sa bahaging ito ng Estados Unidos kung saan ang temperatura sa Chicago ay bumagsak sa -30 degrees Celsius at -37 degrees Celsius naman sa North Dakota.
Ang naturang mga temperatura ay mas malamig pa sa ilang bahagi ng Antarctica.
Apekatado ng napakatinding lamig ang nasa 250 milyong Amerikano.
Idineklara na ang states of emergency sa Midwestern Wisconsin, Michigan at Illinois at maging sa Alabama at Mississippi na karaniwan namang may mainit na panahon.
Ayon sa National Weather Service, posible ang frostbite sa loob lamang ng 10 minuto sa labas kung saan mayroong napakalamig na temperatura.