3 holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

Nasawi ang tatlong lalaki na umano’y mga holdaper sa engkwentro sa Barangay Gulod, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, rumesponde sila sa report tungkol sa tatlong lalaki na nangholdap umano sa isang UV Express sa Brgy. San Bartolome sa Novaliches.

Nakuha ng mga suspek ang gamit ng mga pasahero tulad ng pera, cellphones at laptop.

Agad na tumakas ang mga ito patungo sa direksyon ng Brgy. Gulod.

Dito na sila inabutan ng mga pulis at nagpaputok ng mga baril dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng mga suspek.

Patuloy ang imbetigasyon ng pulisya sa insidente.

Narekober sa lugar ang dalawang baril na kalibre .45 at kalibre .38, motorsiklo ng mga suspek at ang kanilang mga kinuhang gamit sa mga pasahero ng UV express.

Read more...