P3-M reward ipantatapat sa mga suspek na pumatay sa Brgy. official sa QC

Inquirer file photo

Ipinag-utos ni Quezon City acting Mayor Joy Belmonte sa pamunuan ng Quezon City Police District Office ang mabilis na pagresolba sa pagpatay kay Brgy. Bagong Silangan Chairwoman Crisell Beltran.

Si Beltran na kandidato rin sa pagka-kongresista sa susunod na halalan ay ay tinambangan kaninang umaga sa kanyang mismong Barangay.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktima pati na rin ang kanyang  driver na si Melchor Salita sa ambush na naganap sa Brgy. Bagong silangan 11:40 ng umaga.

Sa inisyal na report ng QCPD, apat na kalalakihan ang sangkot sa pamamaril na sakay ng dalawang motorsiklo.

Kasabay nito, sinabi ni Belmonte na maglalabas ng P3 Million na reward money ang pamahalaang Lungsod ng Quezon para sa mabilis ikareresolba ng kaso.

Ipinag-utos rin ng opisyal ang paglalagay ng dagdag na checkpoint sa lungsod para matiyak na hindi na mauulit ang nasabing malagim na krimen.

Read more...