Ito ay kahit na reenacted budget ang ginagamit ngayong buwan ng pamahalaan dahil sa kabiguan ng kongreso na maipasa ang 2019 national budget.
Ayon kay Department of Finance Asec. Tony Lambino, matinding fighting spirit ang inilagay ng pamahalaan para piliting maabot ang seven percent GDP growth target.
Ibinida pa ni Lambino na maituturing pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na paglago sa ekonomiya.
Ipinagmalaki pa ng finance official na noong 2018 lamang, pumalo sa 6.2 percent ang GDP growth target.
Kahit nabigo aniya ang pamahalaan na makamit ang target noong nakaraang taon, malakas pa rin ang ekonomiya ng Pilipinas.