Sa ikalawang pagkakataon ay muling dinalaw ng Hari ng Sweden ang Tacloban City para magbigay tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Namigay din ng mga kalabaw at bangka si King Carl XVI Gustaf sa mga biktima ng kalamidad na ngayon ay nakatira na sa ilang permanent relocation site ng pamahalaan.
Nagbigay din ng P5Million na cash ang nasabing hari para sa pagpapatayo ng gusali ng Boy Scout of the Philippines sa Tacloban City.
Si Haring Carl XVI Gustaf ay isa ring miyembro ng Boy Scout Society.
Kasama si Vice-President Jejomar Binay, masayang nakisalamuha ang hari ng Sweden sa kanyang mga nakasalubong na tao sa ginawa niyang pagpasyal sa Yolanda Memorial Park kung saan ay inakyat pa niya ang barko na nagsilbing simbolo sa Brgy. Anibong.
Nagkaroon din siya ng pagkakataon na puntahan ang Tacloban Astrodome Memorial Marker bago nakipag-pulong sa mga lokal na opisyal ng lungsod.