Inaasahang bibilis at posibleng lalo pang lumakas ang sama ng panahon na may international name Infa habang ito’y nasa karagatan at patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa pinakahuling weather bulletin ng Pagasa kaninang alas-singko ng hapon, namataan ang bagyo sa layong 1,670 kilometers sa Silangan ng lalawigan ng Samar.
Taglay pa rin ni Infa ang lakas na 175kph at pagbugsong umaabot na sa 210kph.
Kapag hindi nagbago ang kanyang bilis na 25kph inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon bukas ng gabi at ito’y tatawaging Marilyn.
Bukas ng umaga ay inaasahan ang sama ng panahon sa layong 1,395kph Silangan ng Catanduanes.
Sa lunes ay inaasahan naman itong nasa 1,265kph sa Silangan ng Aurora.
Dahil sa mabagal na kilos ng bagyo ay inaasahang tatagal ito sa PAR ng hanggang Huwebes ng tanghali.