Kahirapan dahilan ng terorismo sa Mindanao ayon kay Speaker GMA

INQUIRER FILE PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Naniniwala si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kahirapan ang dahilan ng serye ng mga pagpapasabog sa Mindanao.

Ayon kay Speaker GMA, problema ngayon ang kapayapaan at kaayusan sa malaking bahagi ng Mindanao dahil hindi pa rin ganap na nasosolusyunan ang kahirapan.

Sinabi ng lider ng Kamara na ang malaki ang maitutulong ng niratipikahang Bangsamoro Organic Law upang umunlad ang rehiyon at masawata na rin ang nga terorista.

Ginagawa na rin aniya ng gobyerno ang lahat ng hakbang para matulungan ang rehiyon.

Si Speaker Arroyo ay nagtungo sa Saudi Arabia para sa isang investment mission at positibo makapag-uuwi ng mga pamumuhunan para sa bansa lalo na para sa mga taga-Mindanao.

Pinasalamatan din nito ang pamahalaan ng Saudi Arabia dahil sa patuloy na pakikiisa sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Read more...