Hernani, Eastern Samar niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Hernani sa Eastern Samar.

Naitala ang lindol alas 11:27 ng umaga ng Miyerkules, Jan. 30 sa layong 59 kilometers Northeast ng Hernani.

May lalim na 20 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala naman ang Intensity II sa Palo, Leyte bunsod ng nasabing lindol.

Inaalam pa ng Phivolcs kung may iba pang mga lugar kung saan naramdaman ang pagyanig.

Read more...