Zamboanga City Mayor Beng Climaco nagpatawag ng pulong matapos ang pagpapasabog sa mosque sa lungsod

Nagpatawag ng pulong si Zamboanga City Mayor Beng Climaco matapos ang pagpapasabog sa loob ng isang mosque sa Brgy. Talon-Talon sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawang katao.

Agad na iniutos ni Climaco ang pag-convene ng Technical Working Group (TWG) on CVET o Countering Violent Extremism and Terrorism.

Kasabay nito muling nanawagan si Climaco sa mga residente na maging mapagmatyag.

“We call on the people to remain sober but vigilant and let us not allow terrorists to divide the good relationship between Muslims and Christians because we remain united, practice tolerance and live together in peace,” ayon kay Climaco.

Ipinag-utos din ni Climaco ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Matapos ang pulong ng TWG on CVET, sinabi ni Climaco na maglalabas ng opisyal na pahayag ang grupo kabilang ang mga religious leader sa lungsod.

Read more...