Pagawaan ng insecticide sa Pampanga sinalakay ng BOC

BOC photo

Nauwi sa pagsalakay ang inspeksiyon ng Bureau of Customs (BOC) sa pagawaan ng mga pekeng insecticides sa Block 12, Lots 1-A at 1-B sa Global Aseana Business Park, San Simon, Pampanga.

Wala sa lugar ang may-ari na si Andy Go nang isagawa ang pagsalakay.

Ayon sa Customs, bigo rin ang mga manggagawa na magpresenta ng Certificate of Payment para sa mga imported na makina at mga raw materials, business permit at permit to operate, para gumawa ng mga pesticides na may pangalang BAOLLIAI.

Nakakumpiska rin ng tinatayang 50 drum na puno ng kemikal na cypermethrin at polyaluminum chloride, packaging materials at 2,000 kahon na naglalaman ng mga finished product.

Ang “BAOLILAI”, na isang household insecticide ay ipinagbawal na ng Food and Drug Administration (FDA) dahil naglalaman ng cypermethrin, bawal na kemikal.

Read more...