#WALANGPASOK: 4 na araw na suspensyon ng klase sa Baguio City kaugnay sa Flower Festival at Chinese New Year

May magkakasunod na ilang araw na suspensyon ng klase sa Baguio City para sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival at Chinese New Year.

Sa Feb. 1, 2019, suspendido ang klase sa lungsod mula elementarya hanggang High School, public at private base sa kautusan ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan.

Nakasaad sa administrative order ni Domogan na ang suspensyon ng klase ay kaugnay ng gaganaping grand opening ng Panagbenga o Baguio Flower Festival sa Feb. 1.

Sa Feb. 6, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Baguio City, public at private para sa selebrasyon ng Chinese New Year.

Ang Feb. 6 suspension ay kasunod ng February 5 na deklaradong special non-working holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Chinese New Year.

Sa March 2, 2019 naman, suspendido rin ang klase sa Baguio City para sa mga mag-aaral sa kolehiyo.

Ito ay para naman sa gaganaping Grand Street Dancing Parade na bahagi ng Panagbenga Fetival.

Read more...