Nag-iisang mananaya nanalo ng P15M jackpot sa Super Lotto

Isa na namang mananaya ng lotto ang sinwerte at naging bagong milyunaryo.

Sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Martes ng gabi, isang maswerteng mananaya ang nakakuha ng six number combination para sa Super Lotto 6/49.

Nakuha ng lotto bettor ang winning number combination na 11 34 30 10 7 at 21.

Tinatayang P15,840,000 ang napanalunan ng bettor.

Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong linggong ito na mayroong nakapag-uwi ng jackpot prize sa 6/49.

Read more...