Mariing kinondena ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang insidente ng pagpapasabog sa loob ng mosque sa Zamboanga City na ikinasawi ng dalawang katao.
Tinawag ni Hataman na karuwagan ang pag-atake sa lugar kung saan ginagawa ang pananalangin.
Nanawagan din si Hataman sa mga otoridad na agad kumilos at imbestigahan ang pinakabagong pag-atake.
Kailangan din aniyang matukoy sa lalong madaling panahon at mapanagot ang mga suspek.
Nanawagan din si Hataman sa publiko anuman ang kanilang relihiyon na sama-samang manalangin para sa kapayapaan.
“The goal of terrorism is to sow fear and confusion. We should not allow this to happen. We call on all people of faith–whatever their chosen faith is–to come together in prayer for peace. We must stand united against the terrorists who would divide us and, thus, destroy all that we are working to build and establish in our communities,” ani Hataman.
Naganap ang nasabing pag-atake sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City kung saan may mga residente mula sa Lamitan at Isabela City ang nagpunta doon para sa religious retreat.