15 pabrika ng leather sa Bulacan ipanasara ng DENR

Labinglimang pabrika ng leather sa Bulacan ang ipinasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang 15 mga pabrika sa Marilao at ng Meycauayan ay binigyan ng closure order ng DENR.

Ito ay matapos matuklasa ang direktang pagpapatapon ng kanilang waste water sa ilog na dumederetso sa Manila Bay.

Ayon kay DENR-Environment and Management Bureau Director Lormelyn Claudio, 12 Leather and Tannery firms sa Meycauayan ang pinadalhan ng cease and desist’ order at 3 naman sa bayan ng Marilao.

Bunsod nito’y nagbabala si Claudio sa iba pang kumpanya na mahuhuling lumalabag sa environmental law na kanila rin itong ipasasara.

Read more...