Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, chairman ng Committee on Social Justice at author ng Senate Bill No. 2121, kapag naging ganap na batas ay makakaasa na ang mahihirap ng tulong mula sa gobyerno.
Magiging tiyak na ang pagkain kaya’t hindi na dapat makaranas ng gutom ang ating mga kababayan maging sa pananalasa ng anumang kalamidad.
Obligado na rin ang gobyerno na magpatupad ng feeding programs sa mga day care centers at pampublikong paaralan at tiyakin na may sapat na suplay ng pagkain para sa lahat.
Sa panukala kailangan may paraan na rin ang mga mahihirap na magkaroon ng disenteng trabaho at maayos na pamamahay.
At ang pinakamahalaga ay tiyak na mabibigyan ng serbisyong medikal ang mga mahihirap.
Pagdidiin ni Trillanes sa kanyang panukala ay may garantiya na ang proteksyon sa kapakanan ng mga mahihirap na Filipino.