‘No backpack policy’ sa mga simbahan ipinatupad sa Davao City

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Matapos ang pagsabog na naganap sa simbahan sa Jolo, Sulu, nagpatupad ng ‘no backpack policy’ sa mga simbahan si Dvao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Davao City Public Safety and Security Command Center head Benito de Leon, ang lahat ng papasok sa mgas imbahan ay hindi pwedeng magdala ng backpacks bilang security measure.

Sa halip pinapayuhan ng City Government ang mga magsisimba na magdala na lamang ng maliliit na handbag o purse para mas madali ang pagmonitor ng security forces.

Kung hindi naman maiiwasan ang pagdadala ng malalaking gamit, sinabi ng lokal na pamahalan na dapat itong isailalim sa inspeksyon para mabusisi ang laman.

Ani De Leon, nakipag-ugnayan na sila sa mga kura paroko sa Davao City para ianunsyo sa mga simbahan ang nasabing polisiya.

Read more...