Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, pinapayuhan nila ang mga posibleng naapektuhan na imonitor ang kanilang online at offline accounts.
Pinayuhan din silang magpalit ng mga password at iba pang identity verification, at maging maingat sa mga posibleng phishing attempts.
Sa pahayag ng Globe, naapektuhan ang kanilang prepaid customers na nag-register sa “On the List” program ng telecom para mag-avail ng libreng concert tickets at iba pang music venues.
Naipadala umano ng Globe ang mga datos at impormasyon sa maling mg tao.
Kabuuang 8,851 ang naapektuhan na ayon sa Globe ay maliit na bilang lang mula sa tinatayang 60 million nilang prepaid customers.